Ano nga ba ang bukbok? May dalawang klase ng bukbok sa Pilipinas: isa ay yung mga nasa palay o bigas, at ang isa naman ay yung mga nasa kahoy. Parehong nakakasira at nakakapinsala, ngunit mas magastos at malawakan ang mga pinsalang dulot ng mga bukbok sa kahoy o tinatawag na woodborers o woodboring beetles. Kaya nitong sirain ang mga malalaking struktura sa kahit anong bahay o gusali. Ang mga batang woodborers naman ay tinatawag din na woodworms, na iniitlog at nakatago sa kaloob-looban ng mga kahoy nang matagal na panahon at sinisira ang tibay ng kahoy dahil kinakain nila ang mga kahoy palabas, na nagreresulta sa madaming butas butas at mga baak at awang.
Kaya sa mga bahay na gawa sa kahoy o may mga mamahaling mga de-kahoy na gamit o kasangkapan, madalas tanungin sa Ingles, how to get rid of bukbok?
Paano ba mawala ang bukbok sa kahoy?
Narito ang simpleng prosesong dapat mong sundin:
- Suriin ang laki ng pinsala ng bukbok sa kahoy
- Gumamit ng treatment o kumunsulta sa pest control experts
- Palitan ang mga kahoy na nasira
Step 1: Suriin ang laki ng pinsala ng bukbok sa kahoy
Anu-ano ang mga senyales ng bukbok sa kahoy? Ang pinakamadaling palatandaan na may bukbok ang inyong kahoy ay ang mga sumusunod:
- Butas butas, baak at awang na makikita sa kahoy
- Mala-pulbos na material sa paligid ng mga butas o sa paligid ng kahoy
- Mga aktuwal na buhay na matatandang woodboring beetle lalo na kapag tag-init
Kung mayroon kang nakikitang maliliit na butas na singliit ng 1mm hanggang 1.5mm, malamang lamang ay mayroon ding mga pulbos paligid na halo na ng dumi ng mga bukbok at durog na kahoy. Ito ay kadalasang kulay puti, at ang ibig sabihin nito ay mayroon pa ding mga woodworms sa loob ng kahoy. Kapag naman madilaw ang pulbos, senyales ito na matagal na ang pagpepeste ng mga bukbok at kailangan na agad palitan ang mga kahoy upang hindi tuluyang mawasak ang struktura. Suriing mabuti ang buong bahay o gusali at ang lahat ng mga kasangkapang de-kahoy. Ihiwalay agad ang mga napinsala sa hindi upang hindi lalong kumalat.
Kung isa or dalawang piraso lamang ang pinsala, dumeretso sa pangtalong hakbang: palitan agad ang mga kahoy na ito.
Kung mayroong aktibong mga bukbok, at malawak na ang pinsala, agarang kumunsulta sa pest control experts sa inyong lugar at humanda para sa treatment nito.
Step 2: Gumamit ng pesticide o kumunsulta sa pest control experts
Kapag nalaman mo na ang lawak ng pinsala ng aktibong bukbok, ito na ang panahon upang puksain ang problema. Depende sa uri ng bukbok ang kailangang gamitin na pesticide o insecticide. Mas nirerekomenda kung ang gagawa nito ay sanay na upang hindi mapahamak o upang tuluyang kitilin ang pagpepesteng ito ng mga bukbok. Ang pagkitil sa bukbok ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbutas din sa kahoy, at pag-spray ng pesticide sa loob nito.
Huwag gawin ito nang walang abiso ng mga espesyalista sa pest control. Ang Mc Ace Service Provider Inc. ay isa sa mga eksperto sa Metro Manila at buong Luzon sa pag-resolba ng problema sa mga bukbok sa kahoy o tinatawag na woodborer control. Tumawag agad kung kailangan ng tulong sa inspeksyon at pagpuksa ng bukbok sa kahoy sa inyong lugar.
Step 3: Palitan ang mga kahoy na nasira
Kung ang abiso ng iyong pest control provider ay napuksa na ang mga bukbok, ito na ang panahon para palitan ang mga kahoy na nasira at ibalik sa dating tibay at kaligtasan ang iyong bahay o gusali. Ang pagkasira ng mga kahoy na ito ay siguradong may dulot na pinsala sa katatagan ng struktura, kaya’t huwag nang patagalin ito at palitan na agad ang mga dapat palitan.
Kung mayroon pang mga tanong tungkol sa woodborers, woodworms o bukbok sa kahoy, maaaring kumunsulta sa Mc Ace Service Provider Inc. sa pahinang ito o tumawag lang sa 09178526444.
5 Comments. Leave new
Hi. How do I get rid of bukbok in my upholstered sofa? Thanks
Sir,
May I ask for your cellular number so I can assess your requirement? Thank you.
Pls kill all bukbok in my bed soon as possible
What’s your telephone number? interested ako sa wood bore technique nyo
Dear Ms. Vicente,
Good day!
You may call us through our landline number (02) 8366-3938.
Thank you so much