Isa sa mga di kaaya-ayang mangyari sa inyong bahay ay ang pagkakaroon ng mga daga. Kung may makita kang isang daga sa bahay ninyo, siguradong hindi lang yan iisa. Mas madami pa sila sa inaasahan mo, kaya delikado ito sa kalusugan ng mga nakatira dito. Bago pa man mangyari ang pagpepesteng ito, kailangan alam mo kung bakit nagkakaroon ng mga daga sa inyo.
Mahiyain at takot sa tao ang mga daga, kaya hindi sila madaling makita. Madalas silang maghanap ng pagkain at tubig sa tuwing walang tao. Mahilig sila sa maiinit, madilim at basang lugar tulad ng kisame, aparador, sulok-sulok ng kwarto, mga kanal at tubo. Makakakita ka nalang bigla ng mga ngatngat ng daga sa mga damit, gamit o mga nakatagong pagkain.
Mangyari mang ikaw mismo ang balak magpuksa sa daga o balak mong mag-hire ng pest control company tulad ng Mc Ace Service Provider Inc., tatalakayin natin ang mabisang pamatay sa daga gamit ang lason o tinatawag na rodenticide.
Ano nga ba ang mabisang pamatay sa mga daga?
Madaming iba’t ibang lason na pwede mong magamit upang puksain ang mga daga na hindi sobrang delikado sa tao. Marahil ay may mga pamahiin ang inyong pamilya o mga lumang paniniwala sa pagpatay sa daga. Pwede kang gumawa ng sarili mong lason, gumawa ng sarili mong mga patibong, o bumili na lang ng rodenticide o lason para sa daga. Subalit hindi iyon makasisigurong epektibo lalo na kapag madami nang mga bubwit at matatandang daga ang nasa inyong bahay at lalo na kung walang tamang kaalaman at karanasan sa paggamit nito. Ang pinakamabisa pa din ay mga rodenticide na makakapag-ubos talaga sa lahat ng daga sa inyo. Kung matindi na ang pagpepeste ng mga daga, maaaring kailangan mo na ng tulong ng propesyunal na pest control technicians lalo na sa paggamit ng rodenticide.
Paano nakasisigurong ligtas ang paggamit ng rodenticide? Bagama’t mabisang pamatay ito sa mga daga, may mga sangkap ito kadalasan na iba’t ibang kemikal na delikado sa kalikasan, sa tao at pati na rin sa mga alagang hayop tulad ng aso. Kaya isang paalala din na hindi dapat nagtatabi ng rat poison sa inyong bahay at kung meron man ay hindi dapat naaabot ng mga bata o alagang hayop. Karamihan sa mga rodenticide ay delikado kahit sa balat lang ng tao. Kaya naman mga propesyunal na pest control provider lang ang dapat gumagamit ng mga ganitong uri ng lason dahil sila lang ang may sapat ng pagsasanay at kaalaman.
Higit sa lahat, kailangang mas maingat pa lalo na kapag gumagamit ng mga nakakalasong kemikal.
Paano ang tamang paggamit ng pang lason sa daga?
Kailangang protektado ang iyong mga kamay at balat mula sa lason lalo na kapag naghahalo, naghahanda o nag-aapply na ng lason. Magsuot ng guwantes lalo na kapag kailangang pumulot o humawak ng mga patay na daga. Ito ang pinakadelikadong aspeto sa pagpuksa sa mga daga dahil may mga sakit na pwedeng kumalat tulad ng Salmonella at Weil’s disease. Siguraduhing nakatago nang mabuti ang rat poison at hindi naaabot ng bata o ng inyong alagang hayop. Siguraduhin ding selyado ang mga basurang may tira-tirang lason. Huwag na huwag din itago ang lason malapit sa pagkain o sa tubig. Ang lason sa daga ay pwedeng gamitin sa inyong mga cabinet, sa likod ng mga kasangkapan, sa attic, sa silong, o garahe.
Paano nga ba gumagana ang lason sa daga?
Maraming iba’t ibang klase ng rodenticide (anticoagulants, Cholecalciferol na Vitamin D, Bromethalin, etc). Ang silbi ng mga lason na ito ay upang akitin ang mga daga na kainin ito na siya nila ikamamatay. Importanteng nakalagay ang mga patibong na lason na ito sa mga lugar na madalas mong makitaan ng mga daga. Siguraduhin ding walang makikita o maaamoy na pagkain ang mga daga. Dahil kung may mas malakas na amoy na pagkain ay mawala ang pagka-akit nila sa iyong lason.
Gaano katagal bago gumana ang lason?
Iba-iba ng tagal ng epekto ang mga lason depende sa gamit na rodenticide. Bago mamatay ang daga, pwedeng tumagal ito ng pito hanggang walong araw na paulit ulit na pagkain sa iyong patibong na lason. Isang konsiderasyon din ang laki ng daga. May pagkatalino din ang mga daga at hindi sila basta-basta kakain sa isang bagong source ng pagkain. Kaya importante din na ilagay ang lason sa madalas na paggapangan ng mga daga. Hanapin kung saan sila madalas dumumi at umihi. Ikalat ang lason sa paligid ng lugar na ito.
Tulad ng mga nabanggit sa itaas, madaming paraan upang lubusang mawala ang mga daga sa bahay. Pwedeng gumamit ng mga patibong at lason, ngunit pinakamabisang paraan pa din ang pag-lason sa kanila. Nirerekomenda din sa lahat na mabuting humingi ng tulong sa mga eksperto sa pest control. Mag-inquire na ngayon kung kailangan mo ng tulong.