Kung naghahanap ka ng homemade DIY ways para sa problema mo sa anay, pag-uusapan natin ito sa blog na ito, ngunit kung malawakan na ang pinsalang dinudulot ng anay sa inyong bahay, huwag ka nang mag-atubiling magkonsulta sa Mc Ace Pest Control para masigurong 100% na masosolusyunan ang pagpepesteng ito. Kadalasan kasi, hindi nirerekomenda ang mga home remedy na makikita mo online dahil may tamang sistema at mga kagamitan na mga propesyunal na pest control specialists lang ang dapat gumagawa.
Ngunit anu-ano nga ba ang kadalasang pamatay anay home remedies na ginagamit at popular sa mga Pilipino?
Mga Simpleng Paraan Pamatay Anay
Madaming pamatay anay home remedies na makikita mo online, ngunit hindi lahat ay mabisa. Isa-isahin natin ang mga pwede mong subukan, ngunit huwag kalimutang hindi ito nirerekomenda ng Mc Ace Service Provider Inc. bilang mga ekspertong pest control technicians.
- Natural Oils – Isa sa mga popular na pamatay anay ay iba’t ibang klase ng oil o langis. Halimbawa nito ay canola oil, garlic oil, clove oil, neem oil or orange oil. Ang mga produktong ito ay madaling bilhin online, ngunit kapag gagamitin ito, siguraduhing malayo sa apoy at magsuot ng proteksyon sa kamay. Hanapin lang ang mga apektadong area sa inyong bahay at apply-an ng sapat ng dami ng oil. Kapag mabalutan ang mga anay ng langis ay nahihirapan silang gumalaw at huminga. Siguraduhin lamang na gamitin lamang ito sa mga matindi na ang pinsala dahil maaaring makamantsa ito sa kahoy o anumang surface.
- Sabon at Tubig – Maaaring ipang-spray sa mga anay ang inyong liquid soap sa kusina na may halong tubig. Haluing mabuti at siguruhing mabula ang mixture. I-spray ang liquid na ito sa mga apektadong area sa inyong bahay araw-araw upang mapuksa ang mga nabubuhay pang mga anay.
- Pagpuksa Gamit ang Tubig – Kung ang anay na nais mong puksain ay nasa sarili nilang punso sa lupa, maaaring gamitan ito ng tubig upang anurin at bahain ang buong lungga ng mga anay. Hindi nga lang ito permanenteng solusyon, dahil masira man ang kanila tirahan ay siguradong hahanap sila ng ibang lugar na pwede nilang tirhan. Posibleng mas lumapit pa sila sa inyong bahay.
- Sikat ng Araw – Ayaw ng mga anay sa init, kaya isa sa mga simpleng paraan para paalisin sila ay siguruhing nasisikatan ng matinding sikat ng araw ang pinamumugaran ng mga anay. Kung nasa madidilim at basing lugar sila nandodoon, hayaang magkaron ng butas upang makapasok ang sikat ng araw at matuyo ang area na iyon.
- Suka (Vinegar) – Pangkaraniwang ginagamit ang suka na isa sa mga natural na panglinis sa bahay, ngunit epektibo din itong insecticide. Ihalo ang suka sa lemon upang mas mataas ang acid content. Siguruhing i-spray ito nang regular sa mga apektadong area.
- Nematodes – Bagama’t hindi ito pangkaraniwan, isa sa mga natural na panlaban sa mga anay ang uri ng hayop na kumakain sa kanila. Isa na dito ang mga nematodes tulad ng roundworms. Hindi ito madaling hanapin, ngunit kung makakabili ka nito online, ay palayain lang sila sa mga nakikitaan mo ng anay. Sila na ang kusang hahanap at kakain sa mga anay na pumipinsala sa inyong bahay.
- Borax – Hindi lang panglinis ng bahay ang borax. Maaari din itong gamiting mabisang pamatay sa anay. Ihalo ito sa tubig at pwede na itong pang-spray sa anay. Gawin ito kada dalawa hanggang tatlong araw. Kung may alaga kayong aso, maging maingat dahil maaari itong makalason.
Anay Treatment Chemical
Sa lahat ng mga nabanggit, siguradong ang pinakaepektibong pamatay anay ay ang mga kemikal na finormulate para lang talaga sa termite infestations. Anu nga ba ang pinakamabisang anay treatment chemical na available sa Pilipinas? Anu nga bang termiticides ang maaari mong bilhin over the counter o sa iyong paboritong online store? Sa totoo lang, madami na ngayon ang pwedeng bilhin tulad ng Termidor at Solignum. Ngunit, sa pag-uulit, hindi ito nirerekomendang gamitin nang walang patnubay ng mga eksperto. Mag-text o tumawag sa aming hotline kung nais mong magkonsulta.
Anay Pest Control Price
Kadalasan ay standard na ang pag-presyo sa pest control laban sa anay. Ito ay base unang-una sa lawak o laki ng inyong bahay o property. Kailangan kasing mapuksa ang mga anay 100% hanggang sa reyna upang hindi na sila dumami. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglason sa lupang maaaring pinanggagalingan nila. Bago pa man sila umakyat sa kahit anong parte ng inyong bahay ay nasa ilalim na sila ng lupa, kung kaya’t kailangan ito ng masinsinang soil treatment na nagkakahalaga mula ₱2,000 hanggang ₱100,000 depende sa laki ng inyong property.
Recommended Anay Killer in the Philippines
Basahin ang mga nauna naming article tungkol sa termite treatment, soil poisoning at kadalasang presyo ng pest control sa Philippines. Kung naghahanap ka ng best recommended anay killer na available sa Pilipinas, mag-inquire lamang ng mabilis sa aming Facebook, sa Inquiry Form o sa aming hotlines.